^

Metro

Video ng Tondo drug ops, kulang – MPD

Pilipino Star Ngayon
Video ng Tondo drug ops, kulang � MPD

MANILA, Philippines – “Hindi buo, hindi kumpleto ang sinasabi.”

Ito ang pahayag ni Manila Police District (MPD) Director Joel Napoleon Coronel tungkol sa nakuhang video ng Reuters sa madugong illegal drug operation ng mga pulis sa Tondo kung saan tatlo ang namatay.

Sinabi ni Coronel sa kaniyang panayam sa dzMM ngayong Miyerkules na hindi nakuhaan ng closed circuit television (CCTV) cameras ang tunay na nangyari.

Aniya halos 50 metro mula sa engkwentro ang pwesto ng mga CCTV cameras na nakita na lamang ang pagbagsak ng isa sa mga suspek.

“Hindi kita na may summary killings o sina-salvage ang mga suspek,” komento ni Coronel sa ulat ng Reuters. “Inconclusive ang video.”

Sinabi ng hepe ng MPD na kilalang notorious drug traffickers at pushers ang mga napaslang nila.

“High risk police operation dahil balita po armado at manlalaban ang mga ito dahil may mga records na sila sa iba't ibang krimen,” patuloy niya.

Nangyari ang operasyon nitong Oktubre 11 sa Barangay 19 ng Tondo, kung saan apat na recording ng CCTV camera sa lugar ang nakuha ng Reuters.

Nakita pa sa video ang pagbaling ng isang pulis sa video upang hindi makita ang nangyayari.

Sinabi ng mga pulis na nanlaban ang mga suspek kaya napatay.

Iniimbestigahan na naman ng pamunuan ng Philippine National Police ang insidente.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with