^

Metro

11 tiklo sa BGC hotel raid ng PDEA

Pilipino Star Ngayon
11 tiklo sa BGC hotel raid ng PDEA

MANILA, Philippines — Hindi inaasahan ng 11 kalalakihan na masasakote sila sa loob ng isang hotel room sa Bonifacio Global City (BGC) Taguig ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Nadakip ang mga pinaniniwalaang drug dealer na sina Edmond Remegio at Pedrito “Malik” Coronel Jr. na nagbebenta umano ng party drugs sa iba’t ibang bars sa BGC.

Nabawi mula sa mga suspek ang party drug na gamma-Butyrolactone o mas kilala sa tawag na GBL, 20 tableta ng ecstasy, shabu, 12 bottles ng GBL na may timbang na 530.8 ml at nagkakahalaga ng P300,000 at iba’t ibang drug paraphernalia.

Dinakip din ang iba pang kasama sa drug session sa loob ng kwarto na sina:

  • Manuel Romano Valdes
  • Jake Guevarra Tolentino
  • Jose Carlo Dimarana Torres
  • Mario Manalo Aclan
  • Angelo Ambay Padasas
  • Jevel Tanda Ucero
  • Carlo Agustin Kasala
  • Legui Brylle Gonzales
  • Bryan Gorraiz Dizon

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na patuloy pa rin ang kanilang operasyon upang masugpo ang mga gumagamit na ilegal na droga.

“This is a stern warning to everyone who uses these kind of drugs and who loves to party during night. Time will come that we would still target you,” sabi ni Aquino.

Pawang mga nakasuot lamang ng underwear ang mga suspek na pinaniniwalaang nagsagawa ng sex party.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with