^

Metro

Lalaki utas sa kapwa police asset

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang  isang 40-anyos na police asset nang pagtulu-ngang barilin at gulpihin ng tatlong lalaki kabilang ang kapwa nito police asset na dati nang kaalitan sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sa Mary Johnston Hospital na binawian ng buhay ang  biktimang si Demetrio Saha­gun, ng Varona St., Tondo.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang tatlong suspek na kinilalang sina John Marvin Gonzales, alyas Marvin Tajama Ibong,  JR Nicolas at Joey Almin.

Sa ulat ni PO3 Roderick O. Magpale ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas -6:15 nang maganap ang insidente sa Francisco St., Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon, ang biktima at suspek na si Sahagun ay kapwa ‘informant’ ng mga pulis sa MPD-Station 1 at ang insidente ng barilan ay nag-ugat sa matagal nang iringan nila dahil sa karibal sa trabaho.

Batay sa closed circuit television (CCTV) footages ng Barangay 86, Zone 7, District 1, nakitang nagtungo ang biktima sa bahay ng suspek na si Marvin at nakausap nito ang ina ng huli. Maya-maya ay dumating na si Marvin at dalawa pang lalaki. Agad pinaputukan ng ilang beses ni Marvin ang biktima na nagawa pang makatakbo sa eskinita kung saan siya hinabol at natumba. Nang abutan ay  muling pinaputukan at pinagtatadyakan ng tatlong suspek.

Mabilis na nagsitakas ang mga suspek sa direksiyon ng Francisco St. na nakitang isinusukbit pa ang baril na ginamit ni Marvin.

Isinugod sa pagamutan ng mga tauhan ng Pritil Police Community Precinct ang biktima subalit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Ayon kina PO3 Carlo Ileto at PO2 Jonathan Ruiz, may impormasyon sila na  may pinasisingil na utang ang biktima sa suspek na si Marvin at ikalawang beses na umanong nagtungo sa bahay ng huli upang maningil na pinagbawalan umano ng ina ng suspek dahil sa alam nito na  galit ang anak sa biktima. Isang airsoft pellet gun replica ang narekober mula sa katawan ng biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with