^

Metro

Vendors pinayagan na sa Baclaran

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ngayong panahon lamang ng Kapaskuhan papayagan ng Metropolitan Manila Development Authori­ty (MMDA) at ng pamahalaang lokal ng Pasay na makapagtinda ang mga vendors sa Bac­­laran.

Ayon kay Bong Nebrija, MMDA operations supervisor,  malayang makapagtitinda na walang takot sa bakanteng lugar na malapit sa Baclaran footbridge ang may 85 vendors.

Posibleng hanggang Ene­ro 6, 2018 lamang sila papayagang magtinda para na rin aniya may kikitain sila at huwag magutom ang kanilang mga pamilya.

Sinabi ni Nebrija, na lalag-yan ng marka ang lugar na sasakupin ng mga vendors para makapagtinda ng sa gayon ay hindi aniya makaabala ang mga ito sa daloy ng trapiko.

Nilinaw ng naturang opis­­-yal, sa ilalim aniya ng pama­mahala ni MMDA Chairman Danilo Lim hindi ito tumututol sa mga vendor  para sikaping mabuhay ng tapat at maayos ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Gayunman, dapat aniya  ay huwag silang maging perwisyo sa iba at huwag  ma­kaabala sa daloy ng trapiko.

Sinabi ni Nebrija na patuloy silang magsasagawa ng operasyon kontra anumang uri ng traffic obstruction, su­ba­lit mayroon silang puso sa mga maliliit at paiiralin nila ang pagiging makatao.

Matatandaan, na ang 800 metrong kahabaan ng Roxas Boulevard service road, mula  EDSA hanggang  Rivera St. ay nilinis ng MMDA bilang bahagi ito ng kampanya kontra traffic obstruction at para na rin aniya makabawas ng trapik sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with