^

Metro

Trader pumalag sa holdap pinagbabaril, patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagbabaril at napatay ng dalawang holdaper ang isang lalaki na nagnenegosyo ng lending makaraang tumanggi ang una na ibigay ang dala niyang bag na naglalaman ng kanyang koleksyon sa pautang, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Agad na nasawi dahil sa tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si Jose Chavez, nasa hustong gulang, residente ng Santos Compound Bukid, Brgy. Malinta, ng naturang lungsod.

 Sa ulat ng pulisya, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo habang angkas ang kanyang live-in partner na si Cristine Lamayo nang harangin sila ng isa pang motorsiklo sa may Miranda Compound Bukid, sa naturang barangay dakong alas-10:30 ng gabi.

Hinablot ng isa sa mga salarin ang dalang bag ng biktima ngunit tumanggi si Chavez na bitiwan ito at nakipag-agawan.  Dito na pinagbabaril ng mga salarin ang biktima hanggang sa tuluyang natangay ang bag at tumakas.  Hindi naman ginalaw ng mga salarin si Lamayo.

Rumesponde naman ang mga tauhan ng Valenzuela City Police ngunit bigo na maha­bol ang mga salarin. Nirerebisa na lamang ngayon ang video footage ng closed circuit television camera na nakakabit sa lugar ng krimen upang makilala ang mga salarin.

Nabatid na may negosyo sa pautang na “five-six” ang biktima na halos araw-araw niyang sinisingil sa mga kliyente habang may pinatatakbo rin na “off-track betting station”.  Hinala ng pulisya na pinag-aralan ng mga salarin ang galaw ng biktima at kumuha ng tiyempo nang sa akala nila ay maraming perang bitbit si Chavez.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with