^

Metro

Bagsakan ng nakaw na motorsiklo, ni- raid: 1 arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 21-anyos na lalaki makaraang  marekober sa kaniya ang isa sa 10 unit ng karnap na motorsiklo na ibinabagsak sa kaniyang lugar, sa Tondo, May­nila, kama­kalawa ng gabi.

Ayon kay Manila Police District-Station 7 chief, Supt. Rolando Gonzales isasailalim sa inquest proceedings ang suspek na si Allan Gabriele, 21, residente ng Brgy. 52, District 1, sa Manila City Prosecutor’s Office sa reklamong  paglabag sa Presidential Decree 1612 o Anti Fencing Law matapos aminin niya na nabili niya ng halagang P4-libo ang Yamaha Mio Sporty na walang plaka.

Nabigo din siyang magprisinta ng dokumento ng sasak-yan at driver’s license.

Hawak din ng MPD-Station 7 ang siyam na unit pa ng iba’t-ibang uri ng pinaniniwalaang karnap din na mga motorsiklo habang ipinoproseso pa ang beripikasyon sa Land Transportation Office (LTO).

Nabatid na sinalakay ng mga tauhan ng MPD-Station 7 ang lugar ng suspect na sinasabing bagsakan ng mga karnap na motorsiklo sa panulukan ng Prudencia at Mercado Sts.  

Nang magpakilalang mga pulis ang grupo ni S/Insp. Vargas ay nagpulasan ang mga kalalakihan at naiwan ang tagaroon na si Gabriele.

Nang sitahin sa hawak na motorsiklo ay sinabi niyang nabili lamang niya ito at alam niyang nakaw bagamat itinanggi na siya ay isang karnaper. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with