^

Metro

Briton, 1 pa huli sa mga baril at bala

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga  operatiba ng pulisya ang isang Briton at isang Pinoy  na nahulihan ng sari-saring uri ng mga armas at bala sa operasyon sa Valle Verde 5, Pasig City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Chief P/Director Roel Obusan ang mga nasakoteng suspect na sina Matthew George Marney, 38, isang Briton at ang kasama nitong si Rommel Catilo, 45.

Bandang ala-1:35 ng ha­pon nang masakote ng PNP-CIDG Anti Transnational Crime Unit (ATCU) sa ilalim ng superbisyon ni Supt. Roque Merdegia ang mga suspek sa raid sa Pepper Street, Valle Verde 5 sa lungsod.

Ayon sa mga opisyal, ang mga suspect ay inaresto sa bisa ng search warrant na inis­yu ng korte kung saan hindi na nakapalag ang mga ito ng palibutan ng arresting team.

Nasamsam mula sa pagiingat ng mga ito ang limang cal. 45 pistols, 11 magazine ng cal. 45; 14 patalim, 25 piraso ng bala ng cal 45, limang brass knuckles, isang slingshot, isang stun gun, isang stun gun plastic case, isang cleaning kit ng mga armas, apat na kaha ng pistol, 3 hols­ters ng mga armas at apat na kahon ng mga basyo ng bala.

Lumilitaw naman sa pagsisiyasat na pag-aari ng Bri-ton ang nasabing mga armas na nadiskubreng hindi mga lisensyado.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Law) ang mga nasakoteng suspect na ini-inquest na  kahapon sa Pasig City Prosecutors Office.

Samantalang patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng mga awtoridad sa British Embassy para sa malalimang imbestigasyon sa kasong ito. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with