^

Metro

Mag-asawa todas sa tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawa todas sa tandem

Nakilala ang mga nasawi na sina Justin Bangay, 45; at Margarita Bangay, 32, kapwa naninirahan sa Phase 7A Package 10, Brgy. 176 Bagong Silang, ng naturang lungsod. File

MANILA, Philippines — Patay ang isang mag-asawa makaraang hara­ngin at pagbabarilin ng  riding-in-tandem sa Calo­ocan City, kahapon ng ma­­daling araw.

Nakilala ang mga nasawi na sina Justin Bangay, 45; at Margarita Bangay, 32, kapwa naninirahan sa Phase 7A Package 10, Brgy. 176 Bagong Silang, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat, sakay ang dalawa ng kanilang Sym type motorcycle galing sa pamamalengke ng paninda at pauwi na ng kanilang ba­hay nang harangin sila ng mga salarin sa may Phase 7 sa naturang barangay dakong alas-4 ng madaling araw.

Hindi na nagawang ma­kaiwas ng mga biktima nang pagbabarilin sila ng mga salarin na mabilis ring nagsitakas patungo sa direksyon ng North Caloocan.

Agad na ipinag-utos ni Caloocan City Police chief, Sr. Supt. Jemar Modequillo ang masusing imbestigasyon sa krimen upang mapanagot ang mga salarin.  Sinabi nito na may mga tinututukan na silang mga suspek na hindi pa niya ibi­nulgar habang isinasagawa pa ang imbestigasyon.

Nakuha sa lugar ng krimen ang tatlong basyo ng bala at dalawang slug buhat sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with