^

Metro

Brgy. hall itinayo sa mga bangketa, binuwag

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binuwag ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Deve-lopment Authority (MMDA) ang mga  barangay hall  na nakatayo sa bangketa matapos mabigo ang mga  chairman dito na hindi sumunod sa takdang deadline para kusang alisin ito kahapon sa Maynila.

“They promised to demolish their structures when we vi-sited here a few days ago, but they are still here. They gave us no choice, but push for the demolition,” ito ang sinabi ni MMDA Chairman Danilo Lim  sa isinagawang clearing operations sa Brgy 643, Zone 66 at 641 Zone 66.

Sinabi ni Lim na binigyan nila ng 15 araw na taning at paulit-ulit na warning  ang mga brgy. opisyal ng naturang mga lugar, subalit binalewala aniya nila ang kautusan ng MMDA.

Katwiran ni Rosadelia Paragas, chairperson ng Brgy. 643 Zone 66, hinihintay aniya talaga nila ang mga tauhan ng MMDA na idemolis ang naturang brgy hall dahil wala  silang sapat na tauhan para gawin ito.

 Samantala umapila naman si Chairman Edmund Gumogda, ng Brgy.  641 Zone 66, na bigyan pa sila ng sapat na panahon  para sa pagbuwag sa  kanilang brgy. hall.

Gayunman, hindi na ito pinayagan ni Lim kasabay ng pahayag nito na makipag-coordinate na lamang sila sa local government para sa relokasyon ng kanilang brgy. hall.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with