^

Metro

Roque, sumakay ng mga tren ng MRT-3 at LRT-1 sa pagpasok sa Malacañang

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nais na personal na malaman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang tunay na kalagayan ng mga tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) kaya’t nagde­sisyon itong gamiting transportasyon sa pagtungo niya sa Malacanang kahapon.

Kinailangan ni Roque na pumila ng 15-minuto sa North Avenue station ng MRT-3 sa Quezon City bago tuluyang nakasakay ng tren.

Nakatayo lamang sa tren si Roque at pagsapit na lamang ng Ortigas Station ito nagkaroon ng pagkakataon upang makaupo.

Habang nasa biyahe naman ay nakikipag-usap si Roque sa mga pasahero at inaalam ang karanasan ng mga ito sa araw-araw na pagsakay sa tren.

Wala namang narana-sang aberya si Roque sa biyahe niya sa MRT-3 hanggang sa makarating ng Taft Avenue station.

Pagsapit sa Taft Avenue ay lumipat si Roque at sumakay sa LRT-1 hanggang sa Central Station.

Naging mas maluwag naman ang naging biyahe ni Roque sa LRT-1 dahil na rin sa hindi masyadong siksikan ang mga pasahero at wala ding pila.

Inabot ng isang oras ang biyahe ni Roque bago nakarating sa kanyang destinasyon.

Tiniyak naman ni Roque na ipararating niya kay Pa-ngulong Rodrigo Duterte ang kaniyang naging karanasan sa pagsakay sa MRT-3 at LRT-1, gayundin ang mga hinaing ng mga pasaherong kaniyang nakausap sa kanyang pag-biyahe.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with