^

Metro

Pagpatay kay Arnaiz ng 2 pulis, sinadya –PNP-IAS

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinadyang paslangin ng dalawang nasibak na miyembro ng Caloocan City Police  ang 19-anyos na dating UP student na si Carl Angelo Arnaiz noong Agosto ng taong ito, ayon sa resulta ng imbestigasyon ng PNP-Internal Affairs Service (PNP-IAS) na ipinalabas kahapon.

 Kasabay nito, inirekomenda ni PNP-IAS Inspector General Alfegar Triambulo  ang pagdismis sa serbisyo sa dalawang pulis na kinilalang sina POI’s Ricky Arquilita at Jeffrey Perez; kapwa nilitis sa kasong administratibo kaugnay ng kasong grave misconduct at conduct unbecoming a police officer.

Sinabi ni Triambulo na tumugma ang mga ebidensya sa pahayag ng mga testigo  partikular na ang pahayag ng taxi driver na si Tomas Bagcal na umano’y hinoldap at nagsurender kay Carl Angelo sa himpilan ng pulisya at nagdala rito sa lugar kung saan natagpuan ang kaniyang bangkay.

“The entry of the bullet and the position of the victim shows that he was intentionally killed”, pahayag ni Triambulo.

Samantala, irerekomenda rin ng PNP-IAS, ayon pa kay Triambulo ang isang ranggong demosyon ni Chief Inspector Fortunato Ecle , Commander ng Police Community Precinct 2 kaugnay ng isyu ng command responsi-bility sa nagawang krimen ng dalawa nitong tauhan.

Nauna nang ikinatwiran ng dalawang pulis na ang pagkamatay ng biktima ay resulta ng lehitimong operasyon ng pulisya kung saan inihirit ng mga ito ang pagpapawalang bisa sa kasong administratibo laban sa kanila.

Hindi naman napagtibay sa imbestigasyon ng PNP-IAS ang alegasyon ng taxi driver na hinoldap siya ni Arnaiz na nabatid na walang rekord na kriminal.

Magugunita  na si Carl Angelo, isang dating UP student ay natagpuang patay sa Caloocan City noong Agosto 18, 2017 matapos na umano’y mangholdap ng taxi kasama umano ng 14 -anyos na si Reynaldo de Guzman , alyas Kulot na ang sinasabing bangkay ay narekober naman sa isang sapa sa Gapan City, Nueva Ecija noong Setyembre 6.

Samantalang nakita rin sa tabi ng bangkay nito ang isang cal. 38 revolver na umano’y siyang ginamit sa panlalaban. Nakumpiska rin mula rito ang ilang sachet ng shabu at marijuana.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with