^

Metro

Bodega ng trucking company, tupok sa apoy

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Bodega ng trucking company, tupok sa apoy

Ang ilan sa mga sasakyang nadamay sa naganap na sunog na sumiklab sa loob ng isang warehouse sa Brgy. San Bartolome sa Quezon City. (Kuha ni Boy Santos)
 

MANILA, Philippines — Tinupok ng apoy ang isang warehouse ng isang trucking company sa Novaliches, Quezon City, kaha­pon.

 Ayon kay Quezon City Fire Marshal Senior Insp. Manuel Manuel, dakong alas-8:00 ng umaga nang magsimula ang sunog na tumupok sa naturang bodega, sa West Los Angeles, Brgy. San Bartolome.

Nadamay pa sa sunog ang apat na truck at isang kotse, na nasa loob ng warehouse.

Nabatid na ang mga nasunog na truck ay ginagamit nilang pang-deliver ng mga drum na ang laman ay ethyl alcohol.

Umabot ng ikaapat na alarma ang sunog bago tuluyang naapula dakong alas-8:51 ng umaga. Wala namang iniulat na nasugatan o nasaktan sa sunog.

Kasalukuyan pang ina­alam ng mga arson investigator kung posibleng nagmula ang sunog sa leak ng denatured alcohol at kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang tinupok nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with