^

Metro

16-anyos na rider, patay sa oil tanker truck

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 16-anyos na binatilyong rider matapos sumalpok ang minamaneho nitong motor­siklo sa isang oil tanker trailer truck hanggang sa pumailalim at nagulungan,  kahapon ng madaling araw sa Muntinlupa City.

Sanhi ng matinding tinamong pinsala, nasawi noon din ang biktimang si John Mark Navarro, ng  Brgy. Putatan ng naturang siyudad.

Samantala, nasa custody na ngayon ng pulisya ang driver ng tanker  na si Teddy Guelas Gopis,  48, taga Brgy. Kaingin, Santa Rosa, Laguna na nahaharap sa kasong reckless imprudence resul-ting to homicide.

Sa report na natanggap ng hepe ng Muntinlupa City Police na si Police Sr. Supt. Dante Novicio, naganap ang insidente alas-12:00 kahapon ng madaling araw sa kaha­baan ng National Road, Brgy. Putatan ng naturang lungsod.

Lumalabas sa kwento ng mga kaibigan ng biktima, kasama nila itong nag-iinuman dahil kaarawan ng isa nilang kabarkada. Nagpaalam sa kanila ang biktima na bibili ng sigarilyo at hiniram nito ang motorsiklo na pag-aari ng tatay ng isa sa kanilang kainuman.

Ngunit labis silang nagtataka dahil ilang oras na ay hindi pa  ito bumabalik at nagulantang sila ng malaman nilang naaksidente ito.

Dahil sa lakas nang pagkakabangga ay tumilapon ang biktima hanggang sa pumailalim sa tanker  at nagulungan pa ito na naging sanhi nang kanyang kamatayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with