PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

15 pulis Caloocan inirekomendang idismis sa serbisyo

MANILA, Philippines — Inirekomenda na ng PNP- Internal Affairs Service (PNP-IAS) na idismis na sa serbisyo ang 15 miyembro ng Caloocan City Police na sangkot sa kontrobersyal na raid  na walang search warrant sa isang bahay na pinagnakawan pa sa lungsod noong Setyembre.

Ayon kay PNP-IAS Inspector General Alfegar Triambulo, isusumite na nila kay PNP Chief P/Director General Ronald dela Rosa na patalsikin na sa PNP ang mga dawit na pulis.

Kinilala ang mga ito na sina Chief Inspector Timothy Aniway Jr., Senior Inspector Warren Peralta, POIs Ariel Furio, Marvin Poblete, Sherwin Rivera , Jay Gabata, Sampang Sampurna II, Rene Llanto, Louie Serrano, Jaypee Talay, Ronelio Julaton, Jay –ar Sabangan, Jaime Natividad, Michael Angelo Miguel at Joey Leaban.

“ We will forward our recommendation to the Chief PNP”, anang opisyal kaugnay ng puspusang paglilinis laban sa mga scalawags sa PNP.

Nabatid na si Aniway na una nang nakasuhan ng kasong administratibo  sa grave neglect of duty ang siyang commander ng Caloocan City Police (PCP) 4 na sumabit sa raid  habang ang 14 na iba pa ay mga tauhan nito.

Ang 14 pasaway na mga parak ay ipinagharap naman ng reklamong 3 counts ng grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Magugunita na noong Set­yembre 7 ay sinalakay nina Peralta at 13 iba pa nitong mga kasamahan na ginamit pa ang isang asset na pilay at isang 15 anyos na batang lalaki sa bahay ni Gina Erobas sa Barrio Sta Rita , Brgy. 188, Tala ng lungsod ng Caloocan.

Sa CCTV footage ay nakunan pa ang mga ito na pinagnanakawan ang nasabing bahay na labis na ikinagalit ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Oscar Albayalde na sinermunan ang nasabing mga parak.

Ikinatwiran naman ng mga parak na si Erobas ay target umano ng kanilang operasyon kaugnay ng impormasyon na sangkot ito sa illegal drug trade pero lumilitaw na wala ang mga itong search warrant para patunayang lehitimo ang kanilang operasyon at pinagnakawan pa ang nasabing bahay.

Samantalang bukod sa kasong administratibo ay naha­harap rin sa kasong robbery, paglabag sa batas kaugnay ng child abuse, trespass to dwelling at violation to domicile ang nasabing mga parak.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: