PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

MRT-3, muling nagkaaberya

MANILA, Philippines — Muling nagkaroon ng problemang technikal ang isang tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kahapon ng umaga at muling pinababa ang mga sakay nitong pasahero.

Nabatid na dakong alas-7:46 ng umaga noong magkaroon ng aberya ang isang bagon sa Ortigas southbound station.

Hinatak pabalik ng MRT-3 depot sa North Avenue Quezon City ang tumirik na bagon at walang ipinalit na kahalili.

Ang pamunuan ng D­e­­partment of Transporta­tion (DOTr) ang siya ng na­nga­­nga­­siwa sa pagpapatakbo ng MRT-3 matapos kanselahin ang kontrata ng Busan Universal Railways Inc. (BURI) na siyang dating may hawak sa maintenance ng  provider nito.

Ang araw-araw na aber­ya sa MRT-3 ay umani na ng iba’t-ibang kritisismo sa publiko at ilang opisyal ng gobyerno kabilang na si Sen. Grace Poe na una na ring nagmungkahi na itigil na muna ang operasyon ng MRT-3 na tinutulan naman ng DOTr dahil lalong mahihirapan ang nasa 500,000 pasahero na sumasakay araw-araw sa mass transport system sa Edsa.

Ang MRT-3 ay bumibiyahe sa kahabaan ng Edsa muna sa North Aveneu, Quezon City, patungo ng Pasay City at vice versa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: