PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

234 riders huli sa paglabag sa motorcycle lane

MANILA, Philippines — Aabot sa 234 motorcycle riders ang hinuli ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pinahigpit na pagpapatupad ng motorcycle lane sa EDSA simula kahapon.

Ayon kay Jojo Garcia, as­sistant general manager for planing ng MMDA, na 150 riders ang dinakip sa ground habang ang nasa 80 pa ay sa pamamagitan ng no-contact apprehension.

“Hindi kami nagkulang   sa pagpapaalala pero marami pa rin yung nahuli,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng MMDA motorcycle lane, ang mga lalabag ay iisyuhan ng traffic violations at pagmumultahin ng P500, habang ang mga nahuli sa no-contact apprehension ay ino-notify sa kanilang violations.

Nauna na ang istriktong pagpapatupad sa yellow lane sa layuning maibsan man lang ang matinding trapik sa EDSA.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: