^

Metro

Motorsiklo vs truck: Rider todas, angkas sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Todas ang isang motorcycle rider habang sugatan ang angkas nito matapos bu­­­mangga ang kanilang si­na­­­­­sakyang motorsiklo sa kasabay niyang truck sa Katipu­nan Avenue, Old Balara, Que­­­zon City, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima na dead-on-arrival sa Quirino Memorial Medical Center ay kinilalang si James Francis Aragan, 27, habang sugatan at patuloy pang ginagamot sa nasabing hospital ang angkas nito na si Joshua Maria Cinco, nasa hustong gulang.

Nabatid mula kay PO3 Edwin Martela, ng Quezon City Police District-Traffic Bu­reau na ang aksidente ay naganap dakong ala-1:00 ng mada­ling araw sa kahabaan ng Katipunan Avenue sa lungsod.

Ayon sa ilang testigo, tila  naghahabulan ang motorsiklo na minamaneho ng biktima at ang truck na may plakang AAB-4325 na minamaneho naman ni Roel Almecion nang maganap ang aksidente.

Sinasabing bumangga sa likurang bahagi ng truck ang motorsiklo kaya sumirko ito at tumilapon ang dalawang biktima na nagresulta ng pagkamatay ni Aragan habang sugatan naman si Cinco.

Agad namang sumuko sa mga awtoridad si Almecion at nagpahayag na hindi niya kasalanan ang pagbangga sa likuran ng kanyang minamanehong truck ang motor ng biktima.

Nagsasagawa pa ng imbestisyon ang mga tauhan ng Trafiic Bureau ng Quezon City kung sino talaga ang may kasalanan ng aksidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with