^

Metro

Pananabotahe sa MRT, binubusisi na ng NBI

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinisimulan nang busisiin  National Bureau of Investigation (NBI) ang posibilidad na pa­nanabotahe sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) noong nakaraang linggo.

Ito ay matapos na ipag-utos ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kasabay ng pag-isyu ng department order para busisiin ng NBI ang pagkawala ng Messma Card o ang itinuturing na black box ng MRT.

Tuloy aniya ang anggulo ng NBI ng pananabotahe lalo’t may mahirap makalas ang dala­wang coach.

“Makikita naman natin na kahit naderail ang tren, kahit tumumba yan magkakabit pa rin”, dagdag pa ni Aguirre.

Una nang sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na malaki ang kanilang hinala na may nananabotahe sa kanilang operasyon dahil sa pagkawala ng black box ng tren.

Sinabi ni NBI Director Atty. Dante Guiran na bago pa man ipalabas ng DoJ ang de­partment order ay nagsi­mula na ang NBI na manga­lap ng impormasyon para sa kanilang isasagawang imbes­tigasyon.

May timeline na rin umano ang NBI para tapusin ang isasagawa nilang imbestigasyon at malaman ang dahilan ng paghiwalay ng bagon sa tren sa pagitan ng Ayala at Buendia station.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with