^

Metro

Kahit araw-araw ang aberya MRT-3 dinadagsa pa rin!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa kabila ng araw-araw at tumitinding  aberya ay patuloy paring dinadagsa ng libu-libong pasahero ang  Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Nabatid mula sa rekord ng Department of Transportation (DOTr) na umaabot sa kalahating milyong pasahero ang maghapong sumasakay araw-araw sa MRT-3 mula sa North Avenue, Quezon City, patungo ng Taft Avenue, Pasay City at vice versa. 

Ayon sa mga regular na pasahero, mas gusto parin nilang sumakay sa MRT-3 patungo sa kani-kanilang destinasyon dahil sa masikip na daloy ng trapiko sa kahabaan ng Edsa.

Kahapong Lunes ng alas-7:00 ng umaga ay umabot hanggang sa tapat ng Landmark    ang pila ng mga pasahero sa MRT North Avenue Station.

Siksikan din ang mga papaakyat na pasahero sa mga istasyon ng MRT-3, at tila ‘sardinas’ din ang mga sakay ng mga tren na umaalis sa North Avenue station.

Una dito ay iminungkahi ni Sen. Grace Poe na itigil na muna ang operasyon ng MRT-3 para masiguro ang kaligtasan ng  riding public pero nanindigan ang DOTr na tuloy parin ang operasyon ng mass transport sa Edsa.

Pinakahuli at  matinding aberya ng MRT-3 ay ang pagkalas ng isang bagon mula sa tren sa pagitan ng Buendia at Ayala stations noong nakaraang linggo, kung saan ay naglakad sa gitna ng riles ang nasa 140 pasahero.

Dahil sa sitwasyon ‘nag- pasaklolo’ na ang DOTr sa Metro Manila Development Authority (MMDA) na maglagay ng P2P bus na naka-stanby sa North Avenue station sa Quezon City na siyang magsasakay sa mga pasaherong stranded.

Pagsapit naman ng hapon ay sa Taft Avenue, Pasay City maghihintay ang apat na P2P bus na aalalay at magsisilbing option na maaaring sakyan ng mga pasahero.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with