^

Metro

Rapist-killer ng bank employee, kinasuhan na!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Rapist-killer ng bank employee, kinasuhan na!

Ang suspect na si Randy Oavenada, dawit sa panghahalay at pag­patay at pagsunog sa biktimang bank employee na si Mabel Cama. Boy Santos

Tatay ng biktima dismayado sa CHR at CBCP

MANILA, Philippines — Sinampahan kahapon ng kasong rape with homicide  sa Pasig City Prosecutors Office ang unang nadakip na suspek sa brutal na paggagahasa, pagpatay at pagsunog sa bangkay ng isang bank employee na naganap Brgy. Rosario, Pasig City, kamakailan.

Ayon kay Supt. Orlando Yebra, hepe ng Pasig City police, sa ngayon ay hinihintay pa nila ang magiging rekomendasyon ng piskalya hinggil sa ‘proper disposition’  sa suspek na si Randy Oavenada, 37, truck driver, na residente Ortigas Avenue Extension Compound, Brgy.  Rosario, Pasig City.

Sinabi ni Yebra, base sa resulta ng isinagawa nilang ‘forensic examination’ ay nag-match ang fingerprint ni Oavenada mula sa nakuhang fingerprint samples sa cell phone at katawan ng biktima na si Mabel Cama, 22, bank employee.

Lumabas din sa isinagawang drug test kay Oavenada na positibo ito sa paggamit ng ipinagbabawal na droga.

Ani Yebra, matibay ang ‘circumstantial evidence’ na nakuha nila laban kay Oavenada kabilang na ang isinagawang polygraph examination.

Naniniwala si Yebra na may kasama si Oavenada noong isagawa ang karumal-dumal na krimen kaya puspusan pa ang kanilang isinasagawang imbestigasyon.

Ginawa na ring 300,000 ni Pasig City Mayor Bobby Eusebio ang ibibigay na pabuya sa sinumang makakapagturo sa iba pang salarin.

Samantala, nagpahayag naman ng ma-tinding pagkadismaya si Reynaldo Cama ama ni Mabel sa pamunuan ng Commission on Human Rights (CHR) at Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP).

Ayon kay  Mang Reynaldo, mula ng maiburol ang kanyang anak ay wala man lamang  representative ng CHR at CBCP ang dumalaw at nagpahayag ng pagkondena sa mga adik na suspek.

Ang CHR na tagapagtanggol sa karapatan ng mga indibidwal na naaapi o naagrabyado pero tikom ngayon ang kanilang mga bibig  maging ang CBCP na kritiko ng Duterte administration sa nagaganap pagpatay sa mga kilalang adik at tulak ng droga sa bansa.

Sinabi ni Mang Reynaldo kung talagang karapatan ng mga walang kalaban -laban na indibidwal ang ipinaglalaban ng CHR at CBCP ito umano ang pagkakataon na mag-ingay sila at kondenahin ang mga adik na salarin dahil walang kalaban-laban ang kanyang anak na ginahasa, pinatay at sinunog pa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with