^

Metro

Higit 500 huli sa paglabag sa yellow lane

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Higit 500 huli sa paglabag sa yellow lane

Ito ang araw-araw na mukha ng EDSA kung saan mistulang hindi nasusunod ang yellow lane at motorcycle lane na sinimulan uling mag-higpit na ipinatupad kahapon. Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nasa mahigit 500 ang nasampulan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos hulihin ang mga ito dahil sa paglabag sa yellow lane sa EDSA.

Nabatid na sa unang   araw nang muling pagpapatupad ng yellow lane scheme, ayon kay MMDA assistant general manager for planning Jojo Garcia sa kanilang obserbasyon bahagyang lumuwag sa trapik ang kahabaan ng EDSA.

Ang naging matrapik lamang aniya ay ang southbound lane, bandang EDSA-Guadalupe dahil ang nagpapabara ay ang mga jeep na patungong J.P. Rizal.

Sabi ni Garcia, alas-12:00 ng hapon ay nasa 70 pribadong behikulo ang nahuli ng mga naka-deploy nilang traffic enforcers dahil sa paglabag  sa yellow lane scheme, samantalang 37 ang mga bus.

Sa non-contact appre-hension naman, nasa 364 na pribadong behikulo ang nahuli ng MMDA na lumabag din sa naturang traffic scheme at sa mga bus naman ay nasa 114.

Sa kabuuan, nasa 585 na mga motorista ang nahuli  ng MMDA, na posibleng tumaas pa aniya ang bilang nito.

Ayon kay Garcia, sa kabila aniya na mahigpit ang  kanilang implementasyon sa yellow lane ay marami pa rin aniyang mga motoristang pasaway.

Nabatid na kahapon  ang unang araw ng muling  implementasyon ng yellow lane kung saan dati na itong pinaiiral, subalit napabayaan lamang.

Sa mga bus na lumabag ay P200 ang multa samantalang sa mga pribadong behikulo ay P500.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with