^

Metro

16-anyos snatcher ipinagamot ng nabiktimang Ginang

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

Anak pala ni kumare

MANILA, Philippines — Sa halip na ipakulong, ipinagamot pa ng isang Ginang ang isang 16-anyos na umano’y isnatser na nam­biktima sa kanya matapos na masugatan sa habulan at nadiskubre na anak pala siya ng kanyang kumare kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-5 ng ma­daling araw nang hablutin ng suspek na itinago sa pangalang “Andy” ang bag na naglalaman ng P16,000 ng biktimang si Gina Dilang, 54-anyos, tindera, at residente ng Brgy. 113, ng naturang lungsod.

Patungo sana sa palengke si Dilang para mamakyaw ng kanyang paninda­ nang hablutin ni Andy ang kanyang bag na may la­mang­ perang puhunan sa kanyang negosyo habang naglalakad ang una sa may C-Road. 

Dito nagkaroon nang habu­lan hanggang sa madapa ang nasabing suspek nang matalisod sa lubak na kalsada dahilan para abutan ng huma­bol na taumbayan.

Dinala ang binatilyo sa barangay hall ng naturang lugar at dumating naman ang kanyang ina hanggang sa magkaharap sila ng biktima na kanyang kumare dahil sa ninang si Dilang sa kapatid ng suspek.

Sa halip na galit, awa ang pumalit sa biktima nang mag-umpisa nang magma­kaawa ang kanyang kumare dahilan para patawarin ang binatilyo at siya pa ang gumastos sa pagpapagamot sa tinamong sugat at pagkakaipit ng ugat sa paa ng binatilyong suspek.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with