^

Metro

67-anyos lolo itinumba ng tandem

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 67-anyos na lolo matapos siyang malapitang barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem habang naglalakad patungo sa kakausaping barangay chairman sa Quezon City, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay kinilalang si Manolo Taroy, may-asawa, at residente ng Block 5, Lot 3, Talanay St., Brgy. Batasan Hills, Quezon City. Siya ay na­sawi habang ginagamot sa Ge­neral Malvar Hospital  dahil sa tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo.

Sa ulat ni PO3 Roldan Cor­nejo, may hawak ng kaso, ang pamamaril sa biktima ay naganap dakong alas-5:00 ng hapon sa Columbia Garden Residences sa kahabaan ng Commonwealth Ave., Brgy. Ba­tasan Hills sa lungsod­.

Nagpaalam ang biktima sa kanyang anak na pupunta sa isang restaurant upang ka­usapin ang kanilang barangay chairman na nakilalang si Jojo Abad tungkol sa plano nitong konstruksyon ng barangay hall annex.

Nabatid na ang pagtata­yuang annex building ng ba­rangay ay isang pribadong lote kaya pine-petisyon ito ng grupo ni Taroy na hindi dapat na tayuan ng annex building ng barangay.

Hindi pa man nakaka­usap ng biktima ang kanilang chairman, nakarinig ng isang ma­lakas na putok ng baril ang security guard ng Columbia Garden na si John Paul Diaz na noon ay nagsasagawa ng routinary patrol.

Agad na nagresponde ang guwardiya at pinuntahan ang pinagmulan ng putok ng baril at doon ay bumungad sa kanya ang biktima na nakahandusay at duguan kaya mabilis na isinugod sa pagamutan pero nalagutan din ng hininga.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang mabatid ang motibo sa krimen, at madakip ang dalawang salarin na hinihinalang hired killers.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with