^

Metro

Pulis itinumba sa Pasay

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumulagta noon din ang isang pulis na nakatalaga sa Camp Crame nang pagbabarilin ito ng hindi natukoy na gunman habang masayang nakikipag-inuman ito sa dalawa niyang kaibigan sa labas ng kanilang tahanan sa Pasay City kahapon ng umaga.

Sanhi ng ilang tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril, ang itinumbang pulis ay nakilalang si SPO2 Patrick Palisoc, 50-anyos, ng #1845 Goquiolay St., ng naturang lungsod, nakatalaga sa Police Security Group (PSG) sa Camp Crame.

Nagsasagawa pa ng follow-up ang Pasay City Police para sa pagkakakilanlan ng salarin.  

Batay sa pagsisiyasat ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasay City Police, dakong alas-11:55 kahapon ng umaga nang maganap ang pamamaslang sa biktima sa harapan ng kanilang bahay.

Habang kainuman nito ang dalawang kaibigan na sina Ronaldo Urbano at Pepe Raganon, ay siya naman biglang pagsulpot ng gunman at walang sabi-sabing niratrat nito si SPO2 Palisoc, na na­ging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang pamamaril ay naglakad lamang pabalik sa nakaparada nitong motorsiklo ang suspek na hindi naman kalayuan sa pinangyarihan ng insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang pamamaslang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with