^

Metro

Binatilyo patay sa saksak ng ‘solvent boy’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na umabot pa nang buhay sa pagamutan ang isang 17-anyos na pedicab driver matapos itong saksakin ng isang ‘solvent boy’ habang natutulog sa isang bangko sa harapan ng isang cafeteria sa Juan Luna St., Tondo, Maynila, kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Reden Roxas Y Salac,  residente ng no. 952 Juan Luna St., Tondo.

Nakapiit naman na sa Manila Police District-Homicide Section ang suspek na kinilalang si Jun-jun Tulawan, 22, walang trabaho at kilala sa kanilang barangay bilang ‘adik’ sa kemikal na solvent.

Sa ulat ni SPO1 Joseph Kabigting ng MPD-Homicide Section, naganap ang insi­dente dakong alas 3:00 ng madaling araw sa tapat ng nakasaradong cafeteria sa J. Luna St., Tondo.

Sinabi ng ina ng biktima na si Charito, 45-anyos, na habang natutulog ang biktima sa isang bangko sa harap ng cafeteria ay nilapitan ng suspek  na may hawak na patalim at sinaksak ito sa kaliwang bahagi ng tiyan.

Mabilis na tumakas ang suspek na sinasabing nasa impluwensiya pa ng iligal na droga subalit hinabol siya ng taumbayan at kinuyog bago dinala sa barangay.

Isinugod naman sa pa­gamutan ang biktima ng tiya­hing si Charmaine Salac subalit agad ring binawian ng buhay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with