^

Metro

2 pulis pinarangalan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Sa pagtulong sa pasaherong naputulan ng braso sa MRT-3

MANILA, Philippines — Pinarangalan at binigyan ng medalya ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang pulis ng Eastern Police District (EPD) dahil sa ginawang kabayanihan ng mga ito na tulungan ang isang babaeng pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na naputulan ng braso kamakailan kaya nailig­tas at muli ring  naidugtong  ang  naputol na braso ng biktima.

Ayon  EPD Director P/Chief Supt. Romulo Sapitula, binigyan nila ng  medalya at kaukulang pagkilala sina PO2 Danilo G. Agustin Jr. at PO1 Ramil R. Almano dahil sa ginawa nilang pagtulong kay Angeline Fernando, 24, na residente ng Tramo, Pasay City.

Sinabi ni Sapitula, ikinatuwa ni PNP Chief Dir. General Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang ginawa ng dalawang pulis EPD kaya marapat na pinapahalagahan at dapat na pamarisan ng lahat.

Matatandaang noong Nob­yembre 14, 2017, dakong alas-2:35 ng hapon ay bigla na lang nahilo si Fernando pagkababa ng tren sa MRT-3 Ayala Station at nabuwal patungo sa riles ng tren.

Nagkataon namang papaalis na noon ang tren na binabaan niya at tumama ang kanyang kanang braso sa coupler ng tren kaya’t naputol ito.

Maagap namang rumes­ponde ang dalawang pulis, at sa tulong ng medical intern na si Charlean Jandic ay binig­yan nila ng first aid ang biktima at kaagad na isinugod sa Makati Medical Center kung saan muling naidugtong ng mga doktor ang kanyang braso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with