Nasa LTO ang huling pasiya-MMDA
Sa kaso ni Isabel Lopez
MANILA, Philippines — Ang Land Transportation Office (LTO) na umano ang siyang huling magpapasiya hinggil sa kasong isinampa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) laban sa dating beauty queen at aktres na si Isabel Lopez, matapos itong lumabag sa batas trapiko at ang paggamit ng ASEAN lane sa Edsa sa katatapos lang na ASEAN Summit.
Ayon kay MMDA assistant general manager for operations Jojo Garcia, matapos ang isinagawa nilang masusing imbestigasyon sa kaso at napatunayang may mga paglabag na ginawa si Lopez, ay na turned-over na nila sa LTO ang kaso.
“Tapos na investigation ng MMDA regarding diyan sa Lopez case kaya nga after the investigation we filed the complaints with the LTO kaya ang ‘bola’ ay nasa kanila na,” ani Garcia.
Si Lopez ay nahaharap sa paglabag sa disregarding traffic signs, reckless driving at Anti-Distracted Driving Act (ADDA) Law, matapos na magsampa ng reklamo ang MMDA sa tanggapan ng LTO.
Muling iginiit ni Garcia, na walang enforcer na nasangkot dito taliwas sa sinasabi ni Lopez na may enforcer ng MMDA na nagpadaan aniya sa kanya sa ASEAN lane.
“There was no involved enforcer. Lahat ng nag-violate ay i-summon namin ‘yan because that is a breach of security and after the investigation will recommend LTO to file the complaint,” dagdag pa ni Garcia.
- Latest