^

Metro

Japanese nadiskubreng nakabigti

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Japanese nadiskubreng nakabigti

Kinilala ang nasawing dayuhan na si Chiba Soichi, nanunuluyan sa Room 507 ng naturang hotel na mata­tagpuan sa Jorge Bocobo St., sa Malate, Maynila. File

MANILA, Philippines — Nakabigti at wala nang buhay nang madiskubre ang isang 34-anyos na Japanese national sa loob ng inokupahan nitong silid sa Manor Hotel, sa Malate, Maynila, kamakalawa nghapon.

Kinilala ang nasawing dayuhan na si Chiba Soichi, nanunuluyan sa Room 507 ng naturang hotel na mata­tagpuan sa Jorge Bocobo St., sa Malate, Maynila

Sa ulat ni SPO3 Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:10 ng hapon ng Biyernes nang madiskubre ng hotel staff ang biktima na nakabigti ang leeg gamit ang nylon cord na itinali sa door knob ng banyo.

Maaari umanong lasing ang biktima bago isagawa ang pagpapakamatay dahil sa nakitang tatlong malala­king bote ng beer na nasa mesa nito.

Maayos naman ang kaniyang silid na indikasyong walang naganap na karahasan na kinasasangkutan ng iba bukod sa sarili.

Sa rekord ng hotel, ang biktima ay nagcheck-in sa pagdating nito sa bansa noong Nobyembre 2, at nakatakda sanang umalis ng bansa nitong nakalipas na Nobyembre 4 subalit pinalawig pa umano ang pamamalagi sa bansa ng labing-tatlo pang araw.

Sa salaysay ng housekeeper na si Chona Concepcion, 69-anyos, ipinalinis pa ng dayuhan ang kaniyang unit at iniwan na rin ang susi nito sa front desk.

Nang araw ding iyon, kinatok ang silid niya para sa check-out time subalit hindi na ito sumasagot kaya kumuha ng duplicate key at binuksan ni Concepcion kasama ang house detective at doon nadiskubre ang nakabigting biktima.

Palaisipan pa rin hanggang sa ngayon sa pulisya ang motibo ng biktima sa kanyang pagpapatiwakal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with