^

Metro

Sunog sa Quezon City: 1 patay, 1 sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang pintor habang isa pa ang nasugatan sa sunog na tumupok sa dalawang palapag na bahay sa Brgy. Commonwealth, Quezon City at tumagal lamang ng 17-minuto kahapon ng tanghali.

Ang biktima ay kinilalang si Arvie Asuncion, 18, binata na nakatira sa 5273 Baloba St., corner IBP road, Brgy. Commonwealth, Quezon City, habang ang nasugatan naman ay natukoy sa pangalang Myla Asuncion na nagtamo ng sugat at paso sa  katawan.

Batay sa initial report kay Quezon City Fire Marshal Senior Supt. Manuel Manuel, nabatid na sumiklab ang sunog dakong alas-12:32 ng tanghali sa ikalawang palapag ng tahanang matatagpuan sa 5273 Bolova St., IBP Road, sa Brgy. Commonwealth at pagma-may-ari ng isang Antonio Dalisay.

Mabilis namang rumesponde ang mga bumbero at naapula ang apoy dakong alas-12:49 ng tanghali.

Ayon kay Manuel, naging mabilis ang pagkalat ng apoy dahil sa pintura at thinner na kasamang nasunog. 

 Habang isinusulat ang balitang ito ay inaalam pa ng mga arson investigator ang pinagmulan ng sunog, gayundin ang halaga ng mga ari-ariang napinsala nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with