PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

'Back to normal': ASEAN Lanes muli nang binuksan sa publiko

Satellite rendering ng trapiko sa Metro Manila nang bandang 5 p.m., Nov. 15, 2017. Google Maps

MANILA, Philippines — Muli nang binuksan sa publiko ang lahat ng lanes ng EDSA at Roxas Boulevard ngayong araw, Nobyembre 15, sa pagtatapos ng 2017 ASEAN Summit na ginanap dito sa bansa.

Mula noong Sabado, Nobyembre 11 ay isinara sa publiko ang ilang lanes sa kahabaan ng EDSA at Roxas Boulevard upang bigyang priyoridad ang mga delegado ng iba't ibang bansa na lumahok sa 2017 ASEAN Summit.

"Ang ASEAN lane po sa EDSA is now finally terminated, kasama na rin 'yong pagbubukas ng Roxas Boulevard and other locked down areas. Back to normal na po tayo," ito ang pahayag ni Metro Manila Development Authority spokesperson Celine Pialago sa panayam sa kaniya sa dzMM ngayong araw.

Matatandaan na ang pagsasara ng ilang lanes sa EDSA ay nagdulot nang mabigat na trapiko, na siyang ikinagalit ng ilang publiko.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: