PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

MMDA enforcer na nalusutan ni Lopez sa ASEAN lane, papanagutin

MANILA, Philippines — Posibleng managot ang mga enforcer na nakatalaga dahil hindi nila napigilang dumaan sa ASEAN lane ang dating beauty­ queen at actress na si Maria Isabel Lopez noong Sabado (Nobyembre 11).

Ayon kay Emmanuel Miro, head ng MMDA’s task force ASEAN, rerebyuhin nila ang insidente at mangangalap pa sila ng impormas­yon upang matukoy kung sinong mga enforcer ang nakatalaga  sa lugar kaya nakalusot sa ASEAN lane si Lopez.

“Hindi pa talaga full deployment noon sa mga oras na ‘yun, but just the same, we have to check kung saan yung mga lapses, kung sino yung mga enforcers na nagpabaya,”  ani Miro.

Sinabi ni Miro na magsasagawa sila ng imbestigasyon pagka­tapos ng ASEAN Summit at malamang aniya may mga enforcer na mananagot sa nasabing insidente.

Nabatid, na libu-libong motorista at mga mananakay ang naistranded dahil sa matinding trapik na naranasan noong Sabado matapos isara ang makabilang panig ng EDSA mula Balintawak hanggang Makati para bigyan daan ang mga delegado ng ASEAN Summit.

Dahilan upang lumabag sa batas trapiko si Lopez sa pamamagitan ng paggamit nito ng lane ng ASEAN na mariing ipinagba­bawal sa mga pangkaraniwang motorista.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: