PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

1,000 pang pulis idineploy sa ASEAN Summit sa MM

MANILA, Philippines — Dahilan sa pagiging bayolente ng mga raliyista, nagdeploy kahapon ang Philippine­ National Police (PNP) ng ka­rag­­dagan pang 1,000 person­nels upang tumulong sa pa­ngangalaga sa seguridad kaug­nay sa nala­labi pang araw ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit at iba pang mga pagpupulong sa bansa.

Ito’y matapos na umabot na sa 28 pulis ang nasugatan sanhi ng pagiging bayolente ng mga raliyista na nagpupumilit­ ma­kalapit sa venue ng ASEAN Summit sa Philippine Interna­tional­ Convention Center (PICC) sa Pasay City, Metro Manila.

Sinabi ni National Capital Re­gion Police Office (NCRPO) at ASEAN Task Force Manila Commander P/Director Oscar Albayalde, ang karagdagang aug­mentation sa Metro Manila­ ay mula sa Special Action Force ng Police Regional Office (PRO) IV A.

“Para lang ‘yung mga nakadetail sa hotels ay pwedeng i-pull out at ipapalit natin at pwe­deng idagdag sa CDM contingents natin,” pahayag ni Alba­yalde.

Nabatid na naalarma si Al­bayalde sa pagkasugat ng 28 pulis matapos na maging bayolente ang mga raliyista  sa isi­na­gawang Crowd Dispersal Ma­nagement (CDM) ng mga pulis sa hanay ng militanteng grupo nitong Lunes sa kahabaan ng Padre Faura sa lungsod ng May­nila.

Samantalang muli ring nana­wagan si Albayalde sa hanay ng mga raliyista na iwasan ang karahasan, sumunod sa batas at iwasan ang rally malapit sa vicinity ng PICC gayundin sa may Roxas Boulevard.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

‘Huwag na po nilang ipilit­ ‘yun. Hindi naman po yata ma­ganda tignan na may nagrarally sa tapat ng PICC and even dun sa may Roxas Boulevard”, pahayag ni Albayalde.

Patuloy namang pinaiiral ng mga naka-deploy na security forces ang maximum tolerance sa hanay ng mga raliyista na sinabing wala namang problema sa pagbibigay ng seguridad at ang tanging binabantayan ay ang mga pasaway na mga rali­yista mula sa militanteng grupo.

Sa kabila nito, idinagdag pa ni Albayalde na nanatiling matatag at inspirado ang secu­rity forces na nangangalaga sa seguridad ng ASEAN Summit at iba pang mahahalagang pagpupulong sa Metro Manila.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: