PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Dalaga nahulog sa platform ng MRT, nahagip ng tren

MANILA, Philippines — Naputol ang kanang braso ng isang pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) 3 matapos umano itong malaglag sa northbound  platform ng Ayala Station sa Makati City kahapon ng hapon.

Ginagamot ngayon sa Makati Medical Center (MMC) ang bik­ti­mang si Angelene Fernando, 24.

Ayon sa report ni Raffy Robles, ng MRT 3 Ayala Station Super­visor, naganap ang insidente alas-2:35 kahapon ng hapon sa northbound ng nabanggit na istasyon sa Makati City.

Base sa kuha ng kanilang CCTV camera, habang moving aniya ang index car train #6, makikitang tila nahilo hanggang sa nalaglag si Fernando sa tapat ng coupler (pagitan ng dalawang bagon). Dahil dito ay naputol umano ang kanang braso ni Fernando, kung kaya’t kaagad itong  isinugod ng rescue team ng MRT sa natu­rang ospital.

Nabatid na kaunti lamang aniya ang mga pasahero nang ma­ganap ang insidente. Pinaiimbestigahan naman ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Cesar Chavez sa Makati City Police ang naturang aksidente.

Sanhi pa rin ng insidente, naantala ang operasyon ng MRT, subalit pagsapit ng alas-4:00 ng hapon ay balik na ito sa normal.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: