^

Metro

Kelot inutas ng 2 adik na holdaper

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 29-anyos na jobless ang binaril ng dalawang hinihinalang holdaper sa kaliwang mata na ikinasawi nito habang naglalakad sa isang eskinita sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si Angelo Tiozon, binata, ng Barangay 105, Building 9, Aroma, Temporary Housing, Tondo.

Dalawang suspek na kinilalang sina Marcial Rosendal alyas “Barok” at Milandro Guerrero alyas “Pandong” na responsible sa pagpatay sa biktima ang tinutugis ng mga awtoridad.

Sa ulat ni SPO3 Charles John Duran ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:40 ng madaling araw nang maganap ang pamamaril sa pagitan ng Bldg 6 at 7 ng Temporary Housing na nasa panulukan ng Helping Compound, Tondo.

Sa inisyal na ulat, nakita pa na dumaan ang biktima sa isang eskinita patungo sa kanyang bahay nang maya-maya ay nakarinig na ng isang putok ng baril . Nang alamin kung saan nagmula ang putok ay napansin naman ang dalawang suspek na nagmamadaling tumakas sa lugar.

Nakabulagta naman ang biktima na duguan ang kaliwang mata.

Ang dalawang suspek ay kilala umanong holdaper at na-kabilang din sa watchlist ng barangay at pulisya sa operasyon noon ng Oplan Tokhang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with