^

Metro

Turistang Japanese dinale ng ‘Ativan Gang’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

4 babaeng suspek arestado

MANILA, Philippines — Apat na babae na hinihinalang miyembro ng notoryus na “Ativan Gang” ang naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) matapos na magsisigaw ang biktimang Japanese national na kanilang inagawan ng bag na naglalaman ng mahahalagang gamit at credit card at dolyar sa Intramuros, Maynila kamakalawa.

Sa ulat ni PO3 Alonzo Layugan ng MPD-General Assignment and Investigation Section (GAIS), pormal na naghain ng reklamo sa kanilang tanggapan ang biktimang si Naoko Saito, 40, nanunuluyan sa Manila Hostel Boutique, sa Makati City laban sa mga suspek na kinilalang sina Luciana Lopez, 49, ng No. 2 Narra St., Aniban 1, Zapote, Bacoor City, Cavite; Gina Pusing, 47, ng No. 19 San Juan St., Moonwalk, Parañaque City;  Rosalie Sison, 39, ng No. 1 Project 8, Bahay Toro, Quezon City, at Elma Matas, 38, massage therapist ng Barangay Punta, San Narciso, Quezon.

Sa reklamo, dakong alas-7:00 ng gabi habang abala ang biktima sa pagkuha ng litrato sa mga dinaraanan niya habang naglalakad sa panulukan ng Muralla at  General Luna Sts., sa Intramuros nang lapitan siya ng apat na babae at kinaibigan at inalok na sumama sa kanila. Hindi pumayag ang dayuhan at natakot umano sa mga babae na pilit kumuha sa kanyang bagpack na naglalaman ng isang  i-phone 6, $200 cash, credit card, make-up kit, electronic dictionary at payong. Dahil dito, nagsisigaw ang biktima na nakaagaw ng atensiyon ng nagpapatrolyang mga tauhan ng Intramuros Police Community Precinct kaya hinabol ang apat na suspek hanggang sa maaresto at itinurn-over sa MPD GAIS sa headquarters.

Sinabi ni Layugan na may rekord na sa MPD at ilang beses nang nakasuhan noong 2012 ang mga suspek kaugnay sa mga pambibiktima sa mga turista gamit ang gamot na ativan sa modus na makuha ang loob ng biktima bago tangayan o pagnakawan ng salapi at kagamitan.

Nakalalaya umano madalas ang mga suspek matapos na mag-piyansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with