^

Metro

Teenager na ‘holdaper-pusher’ itinumba

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang teenager na sinasabing holdaper at pusher ng droga ang pinagbabaril ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa Payatas, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay kinilalang si John Kevin Mendez, 19, binata na nakatira sa 16 Kamagong St., Brgy. Commonwelth Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Alvin Quisumbing, may ha­wak ng kaso, dakong alas-12:30 ng madaling araw ng naganap ang pamamaril at pagpatay sa biktima sa tapat ng isang Mini mart sa Rosal Extension corner Ilang-Ilang St., Brgy.Payatas sa lungsod.

Nauna rito, nakipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa kabilang barangay at nang papauwi na ay hinarang ng dalawang suspek at malapitang pagbabarilin ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan na nagresulta ng on-the-spot na kamatayan.

Sa pagresponde ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives ay nakarekober sila ng 5 basyo ng bala ng baril at isang kitchen knife.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with