^

Metro

Maynila magre-recruit ng 10,000 traffic volunteers

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pagre-recruit ng may 10,000 traffic volunteers ang isa sa solusyong nais ipatupad ng pamahalaan ng Maynila para maibsan ang problema sa daloy ng trapiko sa lungsod.

Nabatid na inatasan ni Manila Mayor Joseph  Estrada ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na magtakda ng pangmatagalang solusyon sa problema ng trapik sa lungsod, kabilang na ang pagre-recruit ng hanggang 10,000 traffic volunteers hanggang 2020.

Kasunod ito ng isang pag-aaral na nagsasabing ikatlo na sa Asya ang Metro Manila sa tindi ng sikip ng daloy ng trapiko sa lansangan.

Base sa pag-aaral na kinumisyon ng Uber, sinabi ni Estrada na ang mga motorista at mananakay sa Kamaynilaan ay nagsasayang ng 66 minuto kada araw sa kalsada, kasunod ng Bangkok na 72 minuto at Jakarta, 68 minuto.

“We have to come up with decisive measures to solve our traffic problems, if not our country’s economy will continue to suffer,” pahayag ni Estrada.

Nakasaad pa sa pag-aaral, umaabot sa P100,000 kada taon ang nagagastos at naaaksaya ng mga motorista habang nakatengga sa trapik at sa paghahanap ng parking.

Sa isang taon, umaabot sa 402 oras ang naaaksaya ng mga motorista at mananakay dahil sa tindi ng trapik.

Batay naman sa “Mission 2020” traffic plan ni MTPB chief  Director Dennis Alcoreza, sinabi ni Estrada na malaking tulong ang 10,000 volunteers na ito, na kinabibilangan ng 3,000 bikers o motorcycle riders, sa kampanya ng lokal na pamahalaan na mapaluwag ang daloy ng trapiko.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with