^

Metro

ASEAN lanes sa EDSA, tuluyang isinara

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

Matindi at mahabang trapik naranasan

MANILA, Philippines — Dahil sa kabiguang makontrol ang mga pribadong motorista, kung kaya napi-litan ang Metropolitan Manila Development Autho-rity (MMDA) na tuluyang isara  ang dalawang lane sa EDSA na nakalaan sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) delegates.

Inamin ni Bong Nebri­ja, operations supevisor ng MMDA, na nahirapan silang pakiusapan ang mga private motorists na lumabas ng ASEAN lanes kasabay nang pagsasa-bing kulang sila sa mga barriers at traffic enforcers na magpapahinto sa mga motorista na lumabas sa nakalaan lanes sa ASEAN delegates.

“Hindi sapat yung barriers namin at yung iba na pumasok, hindi na namin kayang palabasin dahil puno na ang service road kaya ang kailangang ga-wing paraan, isarado ang entire stretch buhat Balin-tawak hanggang Magalla­nes, vice-versa”, ayon pa kay Nebrija.

Ang dalawang inner-most lanes ng EDSA ang inilaan ng MMDA para sa ASEAN delagates na nang isara ay tuluyang nagdulot ng matinding trapik sa mga bahagi ng Quezon City  sa north at southbound.

Ipinaliwanag din ni Em­manuel Miro, head ng MMDA Task Force ASEAN na napi­litan silang  magpatupad ng adjustment sa traffic schemes sa EDSA  para sa ASEAN summit dahil nga sa naranasang traffic gridlock simula pa kahapon ng umaga.

Kasabay nito, hinikayat din ng MMDA officials ang mga pribadong motorista na iwasan muna ang EDSA ngayong isinasagawa ang ASEAN upang hindi maabala.

Talagang seryosohin na iwasan ang EDSA. Please avoid EDSA baka mag-stay sila ng ilang minute o oras na every time na ihinto sila”, paha­yag pa ni Miro.

Samantala, dahil sa la­long tuminding trapik kaha­pon, alas-6 ng gabi kaha­pon ay ina­nun­syo ng MMDA ang pag­bubukas sa motorista ng ASEAN lane.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with