PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mag-live-in na karnaper, kalaboso

MANILA, Philippines — Kalaboso ang mag-live-in partner matapos na masangkot sa umano’y pangangarnap ng dalawang mamahaling sasakyan, kahapon sa Las Piñas City.

Kinilala ng hepe ng Las Piñas City Police na si  Senior Supt. Marion Balolong ang mga suspect na sina Mary Anne Balo,30 at Joey Taloso, 31, kapwa ng Cyber Green Sunrise, General Trias, Cavite.

Nabatid kay Balolong, alas-5:00 ng hapon nang maaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Las Piñas City Police ang mag-live-in partner sa kanilang tinitirhan sa nabanggit na lugar.

Nadakip ang naturang mga akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Las Piñas City Regional Trial Court (RTC) Judge Phoebe Meer, ng Branch 275 dahil sa kasong paglabag sa Anti-Carnapping Act of 2016.

Lumalabas sa imbestigasyon, ang modus aniya ng mag-live-in partner ay umaarkila ng magagandang sasasakyan sa mga rent-a-car company at saka umano nila ito kakarnapin.

Pagkatapos ay kanilang ibebenta ang sasakyan o di kaya’y ipapaarkila din nila sa iba.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Dahil na rin sa impormasyong nakalap ng pulisya mula sa kanilang tipster nang mamataan ang mga akusado sa kanilang tinitirhan. Dito na nagkasa ng anti-criminality at follow-up operation ang mga kagawad ng Warrant and Subpoena Section ng Las Piñas City Police na nagresulta nang pagkakadakip sa mag-live-in.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: