PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Tumalon mula sa ikaapat na palapag ng mall killer ng trader, nag-suicide

MANILA, Philippines — Nagpakamatay sa pa-mamagitan nang pagtalon sa isang mall sa Cainta, Rizal ang suspect sa pagpaslang sa isang lady trader na sinasabing kanyang karelasyon, kamakalawa.

Dead-on-arrival sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center si Edwin Casas, 35, ng Pangako St., Kalumpang, Marikina City.

Lumalabas sa report ng Cainta, Rizal Police, naganap ang insidente alas-4:48 kamakalawa ng hapon sa 4th floor ng Santa Lucia Grand Mall Department Store sa naturang lugar.

Nabatid na dumaan sa exit door si Casas at saka tumalon ito hanggang sa bumagsak sa ground level.

Kaagad na dinala ng am­bulansiya si Casas sa nabanggit na ospital, subalit idineklara itong patay.

Nabatid na si Casas ang suspect sa pananaksak at pagpatay sa negosyanteng si Mechie Modesto, 42, West Lourdes St., Brgy. BF Homes, Parañaque City nitong alas-6:30 ng gabi  ng Miyerkules (Nobyembre 8).

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Pagkatapos nitong isa­gawa ang krimen ay mabilis na tumakas si Casas at hapon ng Huwebes ay nag­pa­makamatay ito sa pamamagitan ng pagtalon.

Sinasabing selos ang ugat sa pagpaslang ni Casas sa negosyanteng si Modesto.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang natu-rang insidente.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: