PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 pulis na kinasuhan sa Arnaiz, ‘Kulot’ case, nagharap ng testigo

MANILA, Philippines — Tinapos na ng Department of Justice (DOJ) ang imbestigasyon nito sa kaso ng pinaslang na mga teenager na sina Carl Ange­lo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” De Guzman.

Ito ay makaraang panumpaan nang personal ng dalawang testigo ng mga respondent na sina PO1 Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita ang kanilang joint affidavit sa harap ng panel of prosecutors ng DOJ.

Sina Perez at Arquilita ay ipinagharap ng mga magulang nina Arnaiz at De Guzman ng reklamong double murder, planting of evidence, at paglabag sa anti-torture law.

Ang taxi driver na sinakyan ng dalawang teenager noong August 17 ay kasama rin sa ipinagharap ng reklamo sa DOJ dahil sa pakiki-pagsabwatan umano sa mga inirereklamong pulis.

Sa bersyon ng pulisya, si Arnaiz ay na­pas­lang umano sa isang shootout noong August 18 matapos umano niyang holdapin si Bagcal, pero ito ay pinabulaanan ng mga testigong humarap sa Senado na nagsabing hindi nanlaban si Arnaiz at sa kabila ng pagmamakaawa nito habang siya ay nakaluhod sa isang madamong lugar sa C-3 Road sa Caloocan City ay binaril pa rin umano ng mga pulis.

Ang pinaniniwalaan namang katawan ni Kulot ay natagpuang tadtad ng saksak sa isang creek sa Gapan City sa Nueva Ecija noong September 5.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa joint affidavit ng mga testigong sina Solomon Rosca at Madelene Soliman, kinumpirma nila ang bersyon ng mga pulis na nakita nila si Arnaiz na unang bumaril sa mga pulis.

Nakita umano nila na isang lalaki na nakasuot ng itim na jacket ang hinahabol ng dalawang lalaki na mas malaki ang panga-ngatawan at nadinig nilang sumigaw na sila ay mga pulis.

Anila, nagbaba lamang sila ng pasahero sa Torsillo Street dakong alas-3:30 ng madaling araw ng August 18 nang makita nila ang mga lalaki na tumatakbo patungo sa C3 Road at masaksihan ang pangyayari.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: