PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Albayalde ininspeksyon ang mga daraanan ng ASEAN convoy

Sorpre- sang nag-inspeksyon si NCRPO chief Oscar Albayalde sa mga naka-posteng mga pulis sa iba’t ibang lugar sa Metro Ma­ni­la ka­ug­nay sa ibi­­bigay na seguridad sa 2017 ASEAN Summit. Edd Gumban

MANILA, Philippines — Umikot kahapon ng uma­ga si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Oscar Alba-yalde sa  lahat ng lugar na daraanan ng mga convoy at pagdarausan ng ika-31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Sinabi ni Albayalde ang kanyang pag-iinspeksyon ay upang masigurong may mga pulis na nakakalat sa lahat ng mga lugar na puwedeng  daanan ng mga delegado.

Unang pinuntahan ni Albayalde ang area ng Conrad Hotel at Baclaran sa lungsod ng Pasay kasunod ang Rizal Memorial Stadium sa Vito Cruz, Manila kung saan nakakalat ang mga miyembro ng CDM Contingents at sinunod na pinuntahan nito ay ang Roxas Blvd, Divisoria at Quiapo area.

Sa pag-iikot ni Albayalde ay kasama ang bawat district director at mga station commander upang paalalaha-nan ang mga on-duty na mga pulis na tiyakin na mapanga­lagaan, maipatupad ang kapayapaan at kaayusan    sa kanilang hurisdiksiyon.

Ipinag-utos rin ni Albayalde na pairalin ang “maximum tolerance” sa mga ikakasang  rali ng ilang mga militanteng grupo upang tutulan ang  pagdalo ni US President Donald Trump.

Aniya nasa 33,000 naka-unipormadong pulis ang ipinakalat sa iba’t ibang lugar na pagdarausan ng ika-31st ASEAN Summit kung saan ang Pilipinas ang siyang host ngayong taon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Samantala sa ginawang pag-iikot ni Albayalde ay mayroon ilang mga pulis ang kanyang nadaanan at nasita sa kahabaan ng Macapagal Boulevard sa lungsod ng Pasay.

Nabatid na tatlong pulis na naka-deploy sa ASEAN Summit ay naaktuhan ni Albayalde ang isa dito na hawak ang cellphone na nagte­text.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: