PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Killer ng 19-anyos timbog

MANILA, Philippines — Nagsilbing susi ang pagsuko ng killer ng GRAB driver upang masakote ang isa pang suspect sa pamamaslang sa 19- anyos na binata may tatlong taon na ang nakalilipas sa follow-up operation ng mga awtoridad sa isang mall sa Cavite, ayon sa opisyal kahapon.

Kinilala ni PNP-Highway Patrol Group –Task Force Limbas Chief P/Supt. Jonathan Calixto ang nasakoteng suspek na si Jeric Lim, 25 , ng Brgy. 190, Pasay City.

Sinabi ni Calixto na bandang alas-11 ng tanghali  nang masakote  ng kaniyang mga tauhan ang suspect sa Dasmariñas, Cavite sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder. Ang suspek ay kasabwat ni Narc Delemios sa pagpatay sa 19-anyos na si Gino Balbuena  sa Baclaran noong  Oktubre 2014.

Si Balbuena ay pinatay umano nina Lim at Delemios dahil lamang sa larong basketball noong 2014 ay nakapagpalabas naman ang korte ng warrant of arrest noong 2015.

Si  Delemios naman ay dinakip kaugnay ng pagpatay sa GRAB driver na si Gerardo Maquidato Jr . noong  Oktubre ng taong ito.

“Our Director to conduct full blast investigation regarding sa nangyari sa GRAB driver so we find it out itong si Narc Delemios may kasama pa siya na lalaki ito si Jeric Lim at napag-alaman namin na may previous case si Delemios ito ay ang pagpatay kay Gino Balbuena” , anang opisyal.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa kasalukuyan ay nasa ilalim na ng  kustodiya ng PNP-HPG ang nasakoteng suspect.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: