PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

65-anyos na lola, timbog sa pagpatay sa tanod

MANILA, Philippines — Inaresto ng pulisya ang isang 65-anyos na lola  matapos nitong patayin sa saksak ang isang volunteer tanod na  matagal na niyang kaaway kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Nakakulong na ngayon sa Parañaque City Police detention cell ang suspect na si Erlinda Cainoy, ng Purok 4, Masville, Brgy. BF ng naturang siyudad.

Nakilala naman ang biktima   na namatay noon din sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan na si Loreto Sebastian, 55, nakatira sa  Brgy. Outpost, Purok 4 ng nabanggit na barangay.

Sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente alas-8:00 ng gabi sa barangay outpost ng naturang lugar.

Matagal ng may alitan ang suspect at biktima at muli itong naungkat hanggang sa magtalo ang dalawa.

Sa kasagsagan ng away, kinuha ng suspect ang nakatago nitong patalim hanggang sa inundayan ng ilang saksak ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Samantala, ang suspect na lola ay kaagad na inaresto ng mga rumispondeng mga pulis.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: