PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Hindi ako si ‘Big Brother’ ng Aegis Juris Atty. Divina

MANILA, Philippines — Itinanggi ni Dean Nilo Di­vina ng University of Santo Tomas Faculty of Civil Law ang mga espekulasyon na siya ang tinutukoy na ‘Big bro-ther’ ng Aegis Juris fraternity.

Ayon kay Divina, wala siyang alam na may tinatawag palang ‘Big brother’ ang mga miyembro ng Aegis Juris at nalaman na lang niya ito matapos ang nangyari kay Horacio ‘Atio’ Castillo III.

Lumutang ang pangalan ni Divina sa pagdinig ng Senado sa pagkamatay ni Atio at nang sabihin na rin ni Sen. Panfilo Lacson na karamihan sa mga kasamahan nilang mambabatas ang naniniwalang tinutukoy na ‘Big brother’ ay walang iba kundi si Divina.

Paliwanag ni Lacson, lumalabas kasi na si Divina ang pinaka-prominente at mistulang pinaka-maimpluwensyang miyembro ng Aegis Juris.

Matatandaan na sa na-ging pagdinig ng Senado noong Lunes, lumabas na si Atty. Eric Fuentes na isa ring miyembro ng Aegis Juris ang nag-relay sa pamamagitan ng social media nang instruction ng tinatawag nilang ‘Big brother’ sa lahat ng ka-brod nito na magpakita ng suporta sa kanilang fratmates.

Nilinaw naman ni Fuentes na generic term lamang nila ang katagang ‘Big brother’ para sa mga dating presidente at elders ng Aegis Juris at itinanggi rin niyang si Dean Divina ang tinatawag na ‘Big brother’ dahil ang malimit anyang tawag nila dito ay Dean Divina o Sir Divina.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: