PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kilos protesta sa ASEAN Summit hindi papayagan- Erap

Pinigilan ng mga tauhan ng pulisya ang mga militanteng kababaihan na nagtangkang lumapit sa may US Embassy para magprotesta sa nalalapit na pagdating sa bansa ni US Pres. Donald Trump. (Kuha ni Edd Gumban)

MANILA, Philippines — Haharangin ng Manila Police District ang anumang militanteng grupo na balak magsagawa ng mga kilos-protesta malapit sa mga lugar na pagdadausan ng 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Meetings.

Ito ang babala ni Manila Mayor Joseph Estrada kasabay ng pahayag ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), na mahigpit na pagbabawalan  ang kahit na anong demonstrasyon sa mga hotel na tutuluyan ng mga delegado, heads of states, at iba pang mga VIPs.

“Definitely we will not allow these militant groups to go the vicinities of the ASEAN Summit sites, including the US Embassy and the hotels along Roxas Boulevard and adjacent areas where the delegates are staying,” sabi ng alkalde.

Gayunman nilinaw ni  Estrada na papayagan lang ang mga kilos-protesta sa Plaza Miranda sa Quiapo at sa Liwasang Bonifacio.

Binigyan diin naman ni MPD Director Chief Supt. Joel Coronel na “off limits” ang kahabaan ng Roxas Boulevard, US Embassy, at ang mga hotel.

Magkakaroon din ng lockdown sa paligid ng mga lugar na pagdadausan ng summit, kabilang na ang Cultural Center of the Philippines (CCP) Complex, SM MOA Arena at sa Maynila, sa mga hotel tulad ng Manila Hotel, Manila Diamond Hotel, New World Manila Bay, Pan Pacific, at Century Park Sheraton.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ayon kay Coronel, nakatanggap sila ng ulat na magsasagawa ng malawakang kilos-protesta ang ilang grupo tulad ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa Nobyembre 12 o 13 kasabay ng pagdating ni US President Donald Trump.

Aabot sa 2,800 pulis ang itinalaga ng MPD sa 60,000 kataong ASEAN Security Task Force na siyang mangangalaga ng seguridad sa ASEAN Summit.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: