PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

P2P bus service ng MMDA, umani ng batikos

MANILA, Philippines — Umani ng batikos mula  sa ilang mananakay ang isinagawang dry-run kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa point-to-point bus service  bilang alternatibong transportasyon ng mga pasaherong naapektuhan sa aberya ng Metro Rail Transit 3.

Nainis ang ilang pasahero dahil mas lalu aniya naging matrapik sa EDSA sa kabila na kahit may escort pa ang mga naka-deploy na point-to-point buses na ang layunin ay  para  tuluy-tuloy ang kanilang biyahe.

Sinabi ng MMDA, na  nasa  166 pasahero  ang naserbis­yuhan ng libreng sakay ng  naturang mga shuttle bus, kung saan ang unang biyahe ay umalis ng alas-7:20 ng umaga   North Ave­nue Station at alas-8:20 ng umaga dumating ng Ayala Station.

Samantalang, sinabi ni Jojo Garcia, MMDA assistant gene­ral manager for operations, ang travel time ng mga bus mula  North Avenue Station hanggang  Ayala Avenue station ay 30 minuto. Kung saan ang naturang mga bus ay iniskortan pa ng Land Transportation Office’s motorcycle riding enforcers at  mobile cars, na may pailaw at sirena para tuluy-tuloy aniya ang biyahe nito.

Subalit, naging mabagal ang biyahe ng mga shuttle bus dahil sa sobrang trapik. 

Dito ay nakita ng MMDA, na ginagamit ng mga pribadong behikulo ang yellow lanes sa EDSA samantalang ang pinapayagang bumagtas dito ay ang mga public utility vehicle lamang.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sabi ni Garcia sa halip aniyang batikusin ang naturang dry-run sa 10 ay  binigyan niya ito  7 rating.

Sa ngayon araw ng Biyernes, ang mga pribadong bus operators ay nag-deploy ng 20 buses na ang  pamasahe ay P20.00 hanggang P24.00. Sa  rush hours sa umaga, mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga magdi-dispatch   ng bus mula sa  North Avenue  at ang drop -off ng mga pasahero ay sa  Ortigas at  Ayala Stations. Alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi magpi-pick-up sa Taft Avenue at ang drop off naman ay  sa North Avenue Station.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: