PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Lady trader ginilitan, kinatay

Nakilala ang biktima na si Menchie Modesto, ng Brgy. BF Homes ng naturang siyudad sanhi ng tinamong malalim na sugat sa leeg at saksak sa iba’t iibang bahagi ng katawan. File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 42-anyos na babaeng negosyante matapos itong gilitan sa leeg at pagsasaksakin ng isang lalaki kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Nakilala ang biktima na si Menchie Modesto, ng Brgy. BF Homes ng naturang siyudad sanhi ng tinamong malalim na sugat sa leeg at saksak sa iba’t iibang bahagi ng katawan .

Hinahanting na ngayon ng pulisya ang suspect na nakilalang si Edwin Casa, 35, ng  Marikina City.

Naganap ang insidente alas-6:30 ng gabi sa tinitirhan ng biktima sa West Lourdes St., Brgy. BF Homes, Parañaque City.

Huling nakita ang biktima sa loob ng tinitirhan nito na kasama ang suspect at pagkaraan ng ilang oras ay natagpuan na ang bangkay nito. Nagsasagawa pa sa ngayon ng malalimang imbestigasyon ang Parañaque City Police hinggil sa insidente.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: