PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

3 pulis QC, sibak dahil sa pagsipol sa dalaga

MANILA, Philippines — Sinibak kahapon sa ka­ni­lang puwesto ang tatlong pulis sa Quezon City dala­wa rito ay sinasabing sumipol “cat calling” sa isang dalaga na nagdadaan sa kanilang harapan habang sila ay sakay ng mobile patrol car sa Quezon City noong Nob­yembre 2, 2017.

Sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) Direc­tor, Chief Supt. Guillermo Eleazar na kasong conduct of unbecoming of a police officer ang isinampa laban kina P02 Rick Lopez Taguilan, P01 Domingo Nagales Cena at kanilang supervisor na si SPO1 Ariel Camiling.

Ang dalawang pulis ay kinilala mismo ng biktimang itinago sa pangalan “Lorna”.

Ayon kay Eleazar, lumabag din sa City Ordinance 2501 ng Quezon City o anti-harassment ordinance, na nagbabawal sa pambabastos, paninipol o iba pang uri ng harassment sa mga kababaihan ang dalawang pulis.

Sinabi ni Eleazar, si Ta­guilan at Cena ay sakay ng QCPD mobile unit 235   mula Police Station 8, no­ong November 2 dakong alas-10:30 ng gabi kung kai­lan naganap ang “cat calling incident”.

Nakunan ng CCTV ng Metropolitan Manila Deve-lopment Authority (MMDA) ang patrol car ng mga pulis, na nagtutugma sa kwento ng biktima.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ipinakita ni Eleazar sa presscon ang larawan ng mga pulis na suspek na ngayon ay nahaharap na sa kasong administratibo.

Sinabi nito na hindi rin lusot ang patrol supervisor na si SPO1 Camiling na mahaharap naman sa kasong dishonesty dahil pinagtak-pan ang dalawang pulis.

Aniya ni-relieve na niya  sa puwesto ang 3 pulis.

Sabi naman ni “Lorna” labis siyang natakot dahil wala siyang kasama nang mangyari ang “cat calling incident” at mga pulis ang gumawa noon sa kanya.

Payo niya sa mga kababaihan, huwag palagpasin ang anumang pambabastos, at mainam na magsumbong sa mga awtoridad.

Nagpasalamat si “Lorna” sa mabilis na aksiyon   ni Gen. Eleazar na pagsibak sa puwesto sa kanyang tatlong tauhan. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: