PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

‘Bakwit’ tinodas sa Tondo

Humandusay sa kalsada ang ‘bakwit’ na si Abdulfarta Cabugatan makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspect sa Tondo, Maynila. (Kuha ni Joven Cagande)
 

MANILA, Philippines — Patay ang isang 23-anyos na ‘bakwit’ matapos na pagbabarilin  ng hindi nakikilalang gunman  sa Tondo, Maynila.

Dead on the spot ang biktimang si Abdulfarta Cabugatan, vendor, ng  15th Street Port Area, Maynila dahil sa anim na tama ng bala ng baril sa katawan

Inaalam na ang pagkakilanlan sa hindi nakilalang salarin na mabilis tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Ri-chard Escarlan ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng Zaragosa at Delpan Sts., Tondo, Maynila.

Nakita umano ng ilang saksi na tumatakbo ang biktima  sa lugar na hinahabol ng suspek.

Pagsapit sa nasabing lugar ay nakabwelo umano ang suspek at sunud-sunod na pinaputukan ang biktima na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Gayunman patuloy na nagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa nasabing insidente.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: